#10

"Para Kay Sir Jayson"



     Natagpuan ko ang gabay, pagkakaibigan at disiplina sa inyo sir. Kung hindi dahil sa inyo, ako ay hindi natututo. Salamat sir sa pag-gabay niyo sa amin, sa inspirasyon at sa paghubog sa amin upang kami ay maging kapaki-pakinabang na mag-aaral. Ako ay palaging nagpapasalamat sa iyo sa lahat ng mga paghihirap at pagsisikap niyo para matuto kami. Ang pagkakaroon ng mahusay na gurong tulad niyo ay isang napakagandang bahagi sa buhay ng isang mag-aaral upang magtagumpay siya sa kanyang pangarap. Ikaw ay hindi lang basta guro, ikaw ay isang mabuting kaibigan para sa akin. Hindi mawawala ang mga problema, darating at darating yan ngunit alam ko naman sir na kaya niyong lagpasan ang lahat ng mga yan. Kayo po ay isang pagpapala sa akin, sa pagbabahagi ng inyong karanasan at kaalaman upang kami ay matuto. Salamat po sa pagtanggap niyo sa amin upang makuha ang asignaturang Filipino110. Kung ano man ang mararating ko, palagi kong tatandaan na nagkaroon ako ng gurong tulad niyo. Salamat sir!