#7

"Si P-NOY Para Sa Mga Pinoy"


     Sa panunungkulan ng ating pangulo sa ating bansa, masasabi ko na maganda ang kanyang pamumuno. May mga Pilipino na hindi gusto ang kanyang pamumuno dahil tulad sa nangyaring Hostage Taking sa Quirino Grandstand si P-NOY ay sinisisi dito ngunit mas nakahihigit pa din naman ang mga Pilipino na masaya sa pamumuno ng pangulo. Makikita natin sa katatapos lang na SONA ng ating Pangulong Noynoy na malaki ang naging progreso ng ating bansa sa kanyang panunugkulan hindi tulad ng panunungkulan ng nakaraang administrasyon na masasabi nating "corrupt". Madami ng napatunayan si P-NOY sa atin, ang pag-lago, pag-asenso at pagsulong ng ating bansa. Nakikita ko ngayon na maraming Pilipino ang sumusoporta at panig sa panunungkuulan niya. Kung tatanungin din naman ako, masasabi ko na talagang mahusay ang pamumuno sa atin ng ating Pangulong Noynoy.