#4

"Si Crush"






          Ang pagkakaroon ng crush o hinahangaan ay natural lang sa atin. Wala naman kasing masama sa pagkakaroon ng hinahangaan kasi nagbibigay sila ng inspirasyon. Madaming dahilan kung bakit tayo humahanga sa isang tao, ito ay dahil sa kanyang itsura, talento o kakaibang bagay na nagustuhan mo sa kanya. Hindi mo maitatanggi ang pagkakaroon ng isang crush dahil mararanasan ito ng bawat isa, ito ay isang parte na mararanasan at dadaan sa ating buhay. Madaming tao na nag kaka-crush sa kakilala o malapit sa kanila tulad na lamang sa magkakaklase at ang iba naman ay humahanga sa mga sikat na tao sa iba't-ibang larangan.Katulad na lamang ng aking crush na napanood ko sa youtube, sobra ang paghanga ko sa kanya dahil sa sobrang kagandahan, maamong mukha at sobrang talentado niya. Madami siyang kakaibang ginagawa sa mga video posts nya sa      youtube tulad na lamang ng video niya na "The Eyeball Dance" (ang unang video na napanood ko sa kanya), ang kulit ng ginagawa niya dito at kahit anu-ano ang ginagawa niya ay napaptulala lang ako sa kanyang mukha. 


          Ito pa ang isang video post niya, hindi lang siya magaling sobrang cute pa! At kung ganito ang papangarapin mo na maging girlfriend 'wag na lang dahil madami kang magiging kaagaw. Buti na lang crush ko lang siya. Hehe.


          Sobrang talentado talaga niya, magaling mag-isip at umarte. Kaunting impormasyon lang ang nalalaman ko sa kanya dahil hindi naman kami magkakilala. Masasabi kong sikat siya dahil madaming tao ang humahanga  at nakakita na ng kanyang talento.  'Yan ang crush ko si Donnalyn Bartolome na hanggang pangarap ko lang na makikita dahil imposible talaga na magkakilala kami.