#2

"Ang Tinuturing Kong Pamilya"


     Madami akong itinuturing na pamilya, pero ang tunay kong pamilya ang tinuturing ko na pinaka-importante sa pamilyang itinuturing ko. Kami ay binubuo ng limang miyembro, ang nanay at tatay ko at ang dalawa kong kapatid. Pangalawa ako sa aming magkakapatid, ang kuya ko ay nakatapos na ng kolehiyo at ang bunsong kapatid ko naman ay kasalukuyang nag-aaral din sa CLSU. Sila ay isa sa mga nalalapitan ko pag may problema ako, sila ang napagsasabihan ko ng mga bagay na hindi ko maibahagi sa iba. Masaya ako sa kanila kahit minsan ay may hindi rin pagkakaunawaan. 
     Tinuturing ko din na pamilya ang mga kaibigan ko dahil sila din ang mga taong nalalapitan ko, nakakapagpasaya sa akin at kasama ko sa mga kalokohan sa buhay. Kapag may problema, sa kanila ako humihingi ng tulong, ng payo, at sa kanila din ako nakakautang kapag wala akong pera.haha. 
     At isa pa sa mga pamilya ko ay ang mga naging guro at magiging guro ko pa. Kasi sila ang nag-pupursiging magturo sa aming mga estudyante upang magkaroon ng malawak na kaalaman sa mga bagay-bagay. Nagkukwento din sila ng mga bagay sa kanilang buhay at madami akong napupulot na aral  tungkol dito. Nagiging inspirasyon ko pa ang mga aral na ito upang lumago pa ang pamumuhay ko. 
     Sila ang mga tinuturing kong pamilya at lubos akong nagpapasalamat sa Diyos dahil binigay Niya sila sa akin upang may malapitan kapag may problema, may makasama sa oras ng kalungkutan at maging gabay at inspirasyon sa pang araw-araw na pamumuhay.