"Maikling Pagpapakilala sa Aking Sarili"
Simple lang ang aking buhay, tulad din ng ibang kabataan ako ay may mga pangarap na nais matupad para sa aking sarili at sa aking pamilya. Ako si Reymel Mateo dela Cruz ako ay mag lalabing-walong taong gulang na sa ika-20 ng Agosto ngayong taong ito. At sa loob ng madaming taong pamumuhay ko sa mundong ito ako ay lubos na nagpapasalamat at pinagkalooban ako ng ating Diyos ng butihing magulang. Ang aking tatay na si Raymundo Salazar dela Cruz ay isang napakabait na ama na ginagawa ang lahat para lang sa aming magkakapatid at katulong niya dito ang aking nanay na si Amelia Mateo dela Cruz. Kami ay laki sa simbahan kaya masasabi ko na madaming pagpapala na dumadating sa amin at nagiging pagpapala din kami sa mga taong nakapaligid sa amin, sa mga kamag-anak o maging sa mga kaibigan man. Kami ay masayang naninirahan ngayon sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija.
Ako ay nagtapos ng "pre-elementary" sa Little Lamb Foundational Learning Center dito sa aming lugar, sa Paaralan ng Muñoz North Central naman sa aking elementarya at sa Mataas na Paaralan ng Muñoz naman sa aking sekondaryang pag-aaral. Sa aking pag-aaral na ito ay hindi naman ako nagpapabaya kaya matataas naman ang mga markang nakukuha ko at may mga gantimpala din akong natatanggap. Nagayon ako ay nag-aaral sa Central Luzon State University at balak kong maging isang estudyante ng Bachelor of Science in Information Technology subalit hindi pa ako nakakapasok dito dahil may kulang pa ako na kinakailangan upang makapasok dito.
Sa ngayon, ginagawa ko lahat ng aking makakaya upang makapasa sa aking mga subject. Nag-aaral akong mabuti upang ako ay maging isang kapaki-pakinabang at produktibong mag-aaral ng CLSU. At kapag ako ay nakatapos, matutupad din lahat ang mga pangarap ko. Gusto kong tulungan ang aking pamilya, na walang sawa ang pagsuporta sa akin at ito ay pag-nakakuha na ako ng magandang trabaho.