#5

"Sampung Taon Mula Ngayon"

     Sampung taon mula ngayon, ano na kaya ako pag dumating yon? Hindi ko masasabi kung ano na ako pagkalipas ng sampung taon dahil mahirap isipin kung ano ang magiging kinabukasan mo. Mahirap ito dahil hindi natin hawak ang panahon at ang ating buhay at hindi din natin maiiwasan na dumating ang pagbabago sa atin. Ngunit kung pagtutuunan mo naman ng pansin o mag popokus ka sa isang bagay o pangarap na gusto mong mangyari para sayo, magiging matagumpay ka dito.

     Sa aking kursong kukuhanin, pagkalipas ng sampung taon ay madami na akong nalalaman tungkol dito. Pwede akong magturo tungkol sa aking mga natutunan at pwede din naman akong magtrabaho sa isang kompanya. Ako  ay isa nang produktibong tao na nagtapos ng kolehiyo sa Central Luzon State University. Meron na din akong pamilya at matutulungan ko na din ang aking mga magulang na sumoporta, nag-alaga at nag-paaral sa akin. May sarili na akong bahay at pinagkukuhanan ng salapi para sa ikabubuhay namin.



     Sa ngayon 'yan ang naiisip ko pagkalipas ng sampung taon. Hindi muna ako mag-iisip kung ano ang mangyayari sa akin dahil mas pinagtutuunan ko ng pansin ang kasalukuyan kong pamumuhay. Mas maganda kasing huwag munang isipin kung ano ang bukas at mas isipin kung ano ang kalagayan mo sa ngayon.