"Ang Aking mga Karanasan Sa Fili110"
Sa loob ng ilang araw na pag-pasok ko sa Filipino 110 sa pagtuturo ni Ginoong Jayson Sobrevilla, madami akong masasayang karanasan. Una sa lahat, sobrang saya talagang maging estudyante ng isang magaling at masayahin na guro. Nakakalibang magturo si sir Jayson dahil nababalanse niya ang pagtuturo at biruan. Hindi nagiging boring ang klsae namin sa kanya dahil yung mga halimbawa na ibinibigay niya ay biro pero totoo ang mga ito. Mahusay din magturo si sir, talagang maiintindihan mo ang inyong pinag-aaralan kapag siya ang nagtuturo.
Hindi rin mawawala yung pagkakataon na naiingit kami sa section na kabilang kami (kaming mga irregulars). Naiingit kami kasi kami lang yung naiiba sa section nila, wala kang masyadong nakakausap dahil syempre mas pinapansin nila yung ka-sekyon nila. Tapos nakakahiya kapag nakagawa ka ng mali sa isang group activity kasi makikisama ka na nga lang sa kanila maninira ka pa. Pero kahit ganun masaya pa din yung naging karanasan ko sa fili110, madaming tawanan, kulitan at natutunan.